Posts

Showing posts from 2016

Ang Kalakalang Ilawud-iIaya sa Agusan Noong Panahon ng mga Espanyol

A. Panimula Noong 1992, habang ako ay na sa huling taon ng aking pag-aaral sa Mataas na Paraalan sa Urios College, dito sa Butuan, nagkaroon ako pagkakataong makausap ang isang kaibigan ng aking Pamilya na si Rose Tugay Sanchez, isang Manobo na tubong Guadalupe, Esperanza, Agusan del Sur. Pinag-uusapan namin ang kanyang maliit na negosyong pangangahoy sa ilaya . Lagi niyang binabanggit ang salitang ilaya , kaya naman minabuti kong linawin mula sa kanya ang konseptong ito. Asa man nang Municpality of Ilaya te? (Tita, saan po yang Bayan ng Ilaya?) Pinagtawanan niya ang aking kamusmusan at niliwanag na ang salitang ilaya ay nangangahulugang doon sa bandang itaas . Naging pamanahonang papel ko sa mataas na paaralan ang mga Manobo at ang usaping paglaganap ng Kristiyanismo sa Agusan. Habang sinusuyod ko ang mga aklatan upang makakalap ng mga datos, napansin kong isa sa mga idinadaing ng mga misyonero ay ang mangangalakal na Tsino. Bukod sa pagtitinda ng mga produktong naka

Kabataang Mula sa K to 12 Tagapagdala ng Kaunlaran sa Buong Pilipinas

Image
Photo credit: Ms. Jinky Carreon (Ang talumpating ito ay aking isinalaysay noong Abril 1, 2016 sa Ikapitong Pagtatapos ng  Doña Asuncion Lee Integrated School (DALIS), Tabun, Mabalacat City, Pampanga. I nialay ko ito sa aking dating paaralan, ang Butuan Central Elementary School (BCES), Butuan City.) Una sa lahat, binabati ko kayo sa araw ng inyong pagtatapos. Binabati ko rin ang inyong mga magulang na nandirito ngayon; ang mga opisyales at kinatawan ng Department of Education (DepEd), sa pamumuno ni Dr. Elizabeth O. Latorilla; ang Punong Guro na si Gng. Arlene C. Vidal; mga Ulong Guro; mga opisyales ng PTA, sa pamumuno Gng. Marie Kristine Carinan; mga magulang,  mga kamag-anak, mga kaibigan at  mga panauhin,  magandang hapon sa inyong lahat!   Nais kong pasalamatan ang mga bumubuo ng pamunuan ng Doña Asuncion Lee Integrated School (DALIS), sa Xevera, Tabun, Mabalacat City, Pampanga sa pag-imbita bilang panauhing pandangal at  magtalumpati sa harapan ninyo ngayon. Nagpa