Posts

Showing posts from June, 2017

Kalayaan, Pero Ano?

Image
(Isang talumpati na binigkas sa pagdiriwang ng ika-119 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ika-12 ng Hunyo, 2017 sa SM-Baliwag, Bulacan) Bago ako dumalo sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa SM Baliwag, ay dumalo muna ako sa sabayang pag-awit ng pambansang awit sa lumang munisipiyo ng Baliwag, Bulacan. Ang larawan ay kuha ni G. Boyet Aguila Luna. Magandang umaga sa inyong lahat. Maligayang pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas! Taong 1997 nang ako’y nagtapos ng Bachelor of Arts in History sa Mindanao State University, Marawi City. Sa taong yaon ay sariwa pa ang pagdiriwang ng Sentenaryo ng Rebolusyong Pilipino, 1996, at ang sumunod na taon, 1998, ay Sentenaryo naman ng Kalayaan. Noon pa man ay lagi ko nang itinatanong sa aking sarili: Ano ba ang halaga at saysay ng isang bansang malaya? At kung makabuluhan ba ang mga naging sakripisyo ng ating mga bayani? Ayon kay Elias, isa sa mga tauhan sa dakilang aklat na Noli Me Tangere: “Mamamat