Ang Kalakalang Ilawud-iIaya sa Agusan Noong Panahon ng mga Espanyol
A. Panimula Noong 1992, habang ako ay na sa huling taon ng aking pag-aaral sa Mataas na Paraalan sa Urios College, dito sa Butuan, nagkaroon ako pagkakataong makausap ang isang kaibigan ng aking Pamilya na si Rose Tugay Sanchez, isang Manobo na tubong Guadalupe, Esperanza, Agusan del Sur. Pinag-uusapan namin ang kanyang maliit na negosyong pangangahoy sa ilaya . Lagi niyang binabanggit ang salitang ilaya , kaya naman minabuti kong linawin mula sa kanya ang konseptong ito. Asa man nang Municpality of Ilaya te? (Tita, saan po yang Bayan ng Ilaya?) Pinagtawanan niya ang aking kamusmusan at niliwanag na ang salitang ilaya ay nangangahulugang doon sa bandang itaas . Naging pamanahonang papel ko sa mataas na paaralan ang mga Manobo at ang usaping paglaganap ng Kristiyanismo sa Agusan. Habang sinusuyod ko ang mga aklatan upang makakalap ng mga datos, napansin kong isa sa mga idinadaing ng mga misyonero ay ang mangangalakal na Tsino. Bukod sa pagtitinda ng mga produktong naka...